Rich Asuncion and Aljur Abrenica are just friends
Rich Asuncion’s named has been link to Ajur Abrenica even before the break-up of the love tandem of Aljur and Kris Bernal. Some sources are saying that Rich and Aljur are already engaged during that time but they are just hiding it. Some chismis also circulates that the management ask them to break-up.
There has never been any confirmation about this story since both parties are saying the same thing, that both of them are saying no to the issue about the.
That has been the scenario for a long time but when Aljur has been interviewed by John Lapuz of “Don’t Lie To Me”, the lie detector shows signs that the actor is lying about the issue about him and Rich.
On an interview with Rich on Tweetbiz, she noted Aljur is just a friend.
“Close friends kami. Sa amin lang talaga, nagte-text, parang yung kaibigan na may pakialam sa iyo,” sabi ng StarStruck 4 alumna.
Do they go out na silang dalawa lang?
“Hindi. Never,” sagot ni Rich.
Pagod na raw si Rich sa pagsagot sa mga issue sa kanila ni Aljur.
“Oo, ayoko na kasing patulan, e. Kasi siguro nung mag-start pa lang akong mag-showbz, I mean right after StarStruck, ganun na yung isyu. At napapasama ako kasi may loveteam nga siya. So, ako yung parang naging kontrabida. Ako yung nang-aaway, ako yung maldita, na hindi naman,” paliwanag niya.
Tungkol naman sa pagpunta niya sa Bohol, ani Rich, lagi naman daw siyang umuuwi doon dahil tagaroon nga siya. Baka raw nagkataon lang na nung umuwi siya minsan ay nagsu-shooting naman sina Aljur at Kris. Hindi rin daw niya mineet si Aljur doon.
Inamin naman ni Rich na totoong tinawagan niya si Ricky Lo para sabihing hindi totoo ang isinulat nito na nagpunta siya ng Bohol nung time na nag-shooting doon sina Aljur at Kris.
Kuwento niya,”Tumawag po ako kasi napagalitan nga po ako. Kasi akala… si Tatay Rommel [Gacho, co-manager ni Rich] sabi sa akin, ‘Oy, ano itong nababalitaan ko, ganyan-ganyan?’ ‘Ay, hindi po totoo ‘yan, ‘Tay.’ Tapos sabi niya, ‘Sige ayusin mo ‘yan.’ E, since kaibigan ko rin si Mr. Ricky Lo, tinawagan ko siya. ‘Tito, ano po yung…ganyan-ganyan.’ So, kinonfirm ko, nasulat nga niya. Sabi ko, ‘Hindi po totoo yun.’ Gumaganyan ako, nag-a-appeal ako sa kanya.”
Nilinaw rin ni Rich na bagamat hindi sila close ni Kris, hindi naman daw sila magkaaway. Nakapag-usap na raw sila bago pa sila magkatrabaho sa Lovebug. Sa StarStruck V Final Judgment nga sa Araneta ay nag-usap silang dalawa para magkalinawan. Sabi ni Rich, masaya siya na nagka-initiative si Kris na lapitan siya at kausapin sa backstage. Nag-sorry rin daw si Kris sa kanya dahil nga inaaway siya ng fans ng loveteam nito kay Aljur.
Nang matanong kung meron ba siyang dapat ihingi ng tawad kina Aljur at Kris, ayon kay Rich, wala raw siyang dapat ihingi ng tawad dahil wala naman daw siyang ginawang masama.
Siguro kaya raw siya napaparatangang kontrabida sa loveteam ay dahil wala nga siyang boyfriend. Nasabi tuloy niya na siguro kailangan na niyang maghanap ng boyfriend para tigilan na siya ng intriga sa pagiging third party.
Minsan ba sa buhay niya ay minahal niya si Aljur?
“Oo, minahal ko… bilang kaibigan,” sagot ng 2009 Bb. Pilipinas 1st runner-up.
Masarap ba magmahal si Aljur? Minahal din ba siya nito?






hello: aljur and kris. I WANT YOU AND KRIS WILL MAKE OUT AGAIN BECAUSE YOU’RE MY FAVORITE ACTOR AND ACTRESS. PLEASE I HOPE I WILL SEE U AGAIN TOGETHER IN THE LOVEBUGS.